Hay!!! Ang bilis talaga ng panahon. Parang dati lang nung Grade 7 pa lang ako, gustong-gusto ko na talagang umalis ng Quezon High kasi nga sobrang stressful. Sobrang daming assignments tapos sunod-sunod pa yung mga quizzes. WHOOO!! Pero ngayon parang ayaw ko ng umalis. Siguro nasanay na rin ako sa mga taong nakakasama ko sa araw araw. Aalis na kami sa school na ‘to at panibagong simula ulit. Ayaw kong umalis pero kailangan at dahil ito na ang huling pagkakataon na makakapagpasalamat ako sa lahat, gagawin ko ito mula sa kaibuturan ng aking puso (Yes naman, ang lalim). Ayaw kong maiyak yung magbabasa nito kaya naman I will make it simple.